alalahanin ang mga pangako na aalagaan kita ‘di ko babawiin ang iyong binilin “anak, ayokong mapag-isa.” kung maglaho ang mga alaala ‘di kita ipapahiya
alalahanin ang iyong hangarin na hindi ako bibitaw at mananatiling nakakapit sa’tin ‘di ko sasaying ito
dadalhin ang ating mga pinangarap mapapagmalaki na kita
‘pag nanghina ang iyong katawan aalayan ka sa bawat hakbang kung paulit-ulit man mag-tanong sasabihin ang sagot pabulong
alalahanin ang pinagusapan na tibayan aking loob
‘di kakalimutan ang iyong sinabi “anak, ayokong mauna ka.” sa kinabukasan may panghahawakan hindi ka mababalewala
‘pag nanghina ang iyong katawan aalayan ka sa bawat hakbang kung paulit-ulit man mag-tanong sasabihin ang sagot pabulong
at pagsapit ng iyong pag-tanda gagawan kita ng bahay mo na dati mo pa na ipinagdarasal habangbuhay kang ipaparangal
kahit saan ‘di kita iiwan walang makakapantay sa’yong mga binigay